Home NATIONWIDE Sakripisyo ng 6 nasawing sundalo sa Lanao Sur kinilala ni VP Sara

Sakripisyo ng 6 nasawing sundalo sa Lanao Sur kinilala ni VP Sara

MANILA, Philippines- Kinilala ni Vice President Sara Z. Duterte nitong Martes ang pagsasakripisyo ng anim na Army soldiers na nasawi kamakailan sa engkwentro sa slamic State-linked Maute Group sa Lanao del Sur.

Nakiramay si Duterte sa mga pamilya ng mga napaslang na sundalo, at sinabing totoo ang banta ng terorismo, partikular sa mga kabataan.

“Ang kanilang kabayanihan ay kapalit ng kaligtasan ng mga Pilipino hindi lang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas,” giit ni Duterte.

“Sa ating pakikiramay sa kanilang mga pamilya ay tandaan sana natin na totoo ang banta ng terorismo at wala itong pinipiling biktima. Tandaan din natin ang panganib ng pangangalap ng kabataan sa terorismo,” dagdag niya.

Si Duterte ang alkalde ng Davao City nang bombahin ang Roxas Night Market noong 2016, at maganap ang Marawi Siege sa Lanao del Sur noong 2017.

“Bilang isang Mindanawon, personal para sa akin ang laban na ito,” aniya.

Hinikayat niya ang mga Pilipinong magkaisa laban sa mga “kaaway” ng bansa, at binigyang-pugay ang mga namatay na sundalo para sa kanilang “most noble” sacrifice. RNT/SA

Previous article‘Doble Plaka’ law, aamyendahan; gagawing balanse – solon
Next article4 domestic flights kanselado sa masamang panahon