Home OPINION SALAG NI USEC CATURA

SALAG NI USEC CATURA

IPINALIWANAG ni Presidential Human Rights Committee Secretariat Executive Director and Undersecretary Severo Catura ang tunay na papel na ginagampanan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay ito’y isang paraan ng karapatang pang-tao ang mandato para makamtan ang kapayapaan at kaunlaran sa pamayanan.

Kasama sa  pagsalag sa task force ang apela ni Catura sa media na tulungan ang pamahalaang maiparating ang katotohanan hinggil sa papel na ginagampanan ng NTF-ELCAC.

Dahilan ng undersecretary, marami ang sumisira sa imahe ng task force lalo na ang mga tao, o grupong kaalyado ng maling ideolohiyang ipinakakalat ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

“Ang NTF-ELCAC, sa mga ginagawa nito, ay isang human rights mechanism para punuan ang obligasyon ng pamahalaan na protektahan ang taong-bayan,” paliwanag ni Catura.

Sa pagtupad, aniya, ng NTF-ELCAC sa mandato nito, nagawa ng task force ang mga community development, livelihood programs, at mga inisiyatibong pangkapayapaan.

“Ang ginagawa natin dito (sa NTF-ELCAC) is very much anchored sa achievement of peace and development and using a human rights-based approach to achieving that peace and development,” paliwanag pa ni Catura.

Bilang halimbawa, sa pagtutulak ng pamahalaan sa karapatang pang-tao, ayon kay Catura, ang task force naman ang nagdadala ng mga ikauunlad na pangangailangan ng mga mamamayan sa partikular na lugar.

Lahat nga raw ng mga elemento para makamtan lamang ang kapayapaan ay dala-dala na ng NTF-ELCAC.

At hindi ito isang ‘bardagul’ gaya nang paglalarawan ng mga komunistang-terorista at mga kaalyado nito.

Ang Commission on Human Rights  nga raw, sabi ng aking kaibigang opisyal ng pamahalaan, ay tinabla rin ang rekomendasyong iniwan ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na buwagin na ang NTF-ELCAC.

Ibig sabihin daw nito, hindi basta-basta sumasakay sa isyu ang CHR. Alam kasi ni Catura ang mandato ng CHR sapagkat nanilbihan din siya rito nang halos dalawang taon bilang CHR director. Ipinakita aniya ng CHR ang dedikasyon nito sa mandato at prinsipiyo ng ahensiya.

Previous articleABSWELTO ANG PDEA BOYS
Next articleAmihan, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas