Home OPINION SALAMAT KOREA

SALAMAT KOREA

SA darating na Dec. 14, 2023, may espesyal na ganap dito sa atin dahil Pilipinas ang magho-host ng 2023 Asia Artists Awards na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.   Sa walong taong kasaysayan ng AAA, inaasahan na ito na ang pinakamalaki at pinakabonggang pagdaraos ng nasabing gabi ng parangal.

Ang AAA ay nagpupugay at kinikilala ang mga pinakamahuhusay na mga actor at mga mang-aawit sa Korea, na ipinalabas sa Asya at sa iba pang parte ng mundo.   Pero bukod sa mga bigayan ng awards, ang event na ito ay tinuturing na tulay ng kultura o cultural bridge para palakasin ang ugnayan at unawaan ng mga Koreano at ng iba pang mga bansa.

Kaya panigurado na ngayon pa lang ay naghahanda na ang milyung-milyong fans ng k-drama, k-pop at k-movies.   Bahagi nga ito ng hallyu o ang alon ng impluwensya ng Korean culture. Kaya naman panigurado na excited na ang mga Pinoy na tagahanga ng Korean Artists.

Pero bago ang napakalaking awards night na ito, magdiriwang naman ng anim na araw na holiday ang South Korea sa Sept. 28-Oct. 3, 2023.  Sa Sept. 28 ang Chuseok Festival o “Mid-Autumn Harvest Festival”.  Ito ang pinakamasayang pista sa kalendaryo ng Korea, isang panahon ng kasaganaan, pasasalamat at pagbigay ng panahon sa pamilya.   Sa Oct. 1 naman ay ang Armed Forces Day at sa Oct. 3 ang National Foundation Day.

Ayon sa mga Koreanong kasamahan ko sa Asian Journalist Association o AJA na gaganapin naman ang 2nd Korean Music Festival sa Oct. 1, 2023 sa National Theater Haeoreum.   Ang music festival ay sa ilaim ng direksyon ni Professor Lim Cheong-hwa, na syang nagpakilala sa buong mundo ng tugtugang K-classic.

Ang 2nd Korean Music Festival ay suportado ng President Syngman Rhee Memorial Foundation at tumulong mag-organisa ang K-Classical Gagok.

Ayon pa sa mga friendship ko, mahalagang mensahe ng 2nd Korean Music Festival at ng Asia Artists Awards ang pagkakaisa ng mga Koreano sa gitna ng krisis na hinaharap ng kanilang bansa.  Pero gusto rin nilang ipahayag ang kanilang pakiki-isa sa buong mundo, dahil pare-pareho tayong humaharap sa iisang hamon.

Salamat Korea! Gamsahamnida! Komawoyo hangug!

 

Previous articleSI TSERMAN  ‘MINULTO’ NA NAMAN NG KANYANG ‘GHOST’ EMOLOYEE
Next articleTAMBAN FISH HATCHERY PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here