Home HOME BANNER STORY Salceda: Debate sa Cha-cha paikliin sa kumpiyansa ng mga investor

Salceda: Debate sa Cha-cha paikliin sa kumpiyansa ng mga investor

MANILA, Philippines – Inihayag ni Albay Rep. Joey Salceda na ang agarang desisyon ng mga mambabatas na amyendahan ang 1987 Constitution ay makatutulong umano para sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan.

Sa Saturday News Forum, ang pahayag na ito ni Salceda ay reaksyon niya sa sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na dapat ay magkasundo na ang mga mambabatas sa usapin dahil “we don’t also want those uncertaint[ies] because one of the factors that inhibit investments, whether it’s domestic or foreign, is [a] state of uncertainty.”

Ani Salceda, “I agree. Investor certainty is a function of legislative speed. The shorter the debates take, the more certain investors become.”

“But in the House framework—there is no investor uncertainty. If anything, there is cause for investor optimism,” dagdag pa niya.

“There will be no investor uncertainty under the House’s proposals. One, we commit to expanding, never restricting, the scope of the economy that is open to foreign investment. So, there is zero chance of an existing area of investment being suddenly closed off,” pagpapatuloy pa ng mambabatas.

“Two, we commit to making investing in the Philippines easier, not harder. So, we will impose no new regulatory restrictions on areas that are already open.”

Kamakailan ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makahihikayat ng maraming investor sa bansa ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon naman kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, tututukan ng mababang kapulungan ng Kongreso ngayong taon ang proposal kaugnay sa restriksyon sa pagpasok ng foreign capital at investments kabilang ang Charter change.

Sa kasalukuyan, nililimitahan ng 1987 Constitution ang foreign ownership sa 40% sa public utilities katulad ng kuryente, tubig at pampublikong transportasyon.

Pinagbabawalan din nito ang mga dayuhan na magmay-ari ng lupa sa bansa, bagay na maging ang Pangulo ay “unwilling to change.”

“Existing limits in the Constitution will now be subject to an enabling law under our proposal. The only way this affects foreign investors already here is that they could bring in even more money, so they might need to be more optimistic with their expansion plans,” paliwanag ni Salceda.

“Unlike other reforms where there is a rationalization of existing incentives or benefits, this one will not take away any existing investor rights and privileges. This will expand them. They can invest in more places and more sectors, infuse more capital, and hire more Filipinos,” dagdag pa niya.

Ipinanukala ng nagpapatuloy na people’s initiative na pinangungunahan ng pro-Charter change group People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) na amyendahan ang 1987 Constitution kung saan ang Senado at Kamara ay boboto nang magkasama sa pagpapalit ng fundamental law ng bansa.

Nauna nang naglabas ang Senado ng manifesto kung saan tinututulan ng mga senador ang nagpapatuloy na people’s initiative na kumakalap ng mga pirma para sa proposed amendment sa “joint” voting ng Kongreso para sa Cha-cha.

Nababahala ang Mataas na Kapulungan na kung maging matagumpay ang people’s initiative, maaaring baguhin ang Konstitusyon may approval man o wala ng Senado. RNT/JGC

Previous articlePAO Chief Persida, may mensahe sa PMPC!
Next article400 ‘smart classrooms’ bubuksan sa mga pampublikong paaralan sa Makati