Home NATIONWIDE Salceda muling hinirang na ‘advisor for int’l affairs’ ng Incheon

Salceda muling hinirang na ‘advisor for int’l affairs’ ng Incheon

LEGAZPI CITY – Muling hinirang ng pangunahing sentro ng South Korea na Incheon Metropolitan City bilang tagapayo o ‘Advisor for International Affairs’ si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda.

Ang Advisor for International Affairs ay isang posisyon na hawak ni Salceda mula pa noong 2009 nang Gobernador pa siya ng Albay

Ang bagong dalawang taong termino ni Salceda bilang ‘Advisor’ mula Nobyembre 28, 2023 hanggang Nobyembre 27, 2025 ay nilagdaan ni Incheon Mayor Jeong-Bok Yoo. Tinanggap niya ito kamakailan kasabay ng hiwalay na ‘Notice of Reappointment,’ na nilagdaan naman ni Incheon Director of Foreign Affairs Department Young-Sin Kim batay sa Artikulo II ng ’Ordinance for International Cooperation and Exchanges, and the Internationalization of the Incheon Metropolitan City,’

Ayon kay Salceda, pinatatag ng pagkakahirang sa kanya sa ganoong puwesto ang ugnayang pang-ekonomiya ng Albay at Incheon sa ilalim ng Incheon Sister Cities Conference na ginanap noong 2009.

Pinasalamatan ng mambabatas si Incheon Mayor Jeong-Bok Yoo at ang Incheon Metropolitan Authority sa patuloy nilang pagtitiwala sa kanya na nakaraang 14 na taon. Umaasa si Salceda na nasa huling termino niya bilang kinatawan ng Albay sa Kamara kung saan chairman siya ng ‘House of Representatives Ways and Means Committee,’ na masiglang magpapatuloy ang ugnayang pang-ekonomiya ng Incheon at Albay.

Pinasimulan ni Salceda ang pakikipag-ugnayan sa South Korea, lalo na sa Incheon noong Disyembre 2007 nang una siya naupo bilang punong lalawigan. Binigyang diin niya na ang tiwalang ibinigay sa kanya ng Incheon ay para sa mga Albayano at Albay dahil sa mga karangalang inani nila kaugnay sa maganda at mabisang lokal na pamamahala mula sa DILG; edukasyon (AHECS, EQUAL, libreng tuition fee sa çommunity colleges at Bicol University (BU) ‘satellite campuses,’ BRYT, Bakas, NAT, ‘Provincial Education Department’(na tanging Albay ang mayroon nito), modernisasyon ng BU at malawakang pagsasanay ng TESDA.

Umani rin mga karangalan si Salceda at Albay sa loob ng siyam na taong panunungkulan bilang gobernador dito. Kasama rito ang mga sumusunod: ‘Disaster Risk Reduction-Climate Change Adaptation zero casualty, preemptive evacuation, CBDRM, Climate Change Academy; Albay Provincial Safety Emergency Management Office (Apsemo),’ tatlong magkakasunod na ‘Kalasag leading awards’ sa Albay, Legazpi City at bayan ng Sto. Domingo na nagluklok sa kanila sa DILG ‘Hall of Fame;’ isang Galing Pook Award sa Apsemo at isa ring Galing Pook Award para sa ‘Team Albay Humanitarian Disaster Response at Albay Health Emergency Management AHEM;’ Naging unang Asyanong chairman din si Salceda ng ‘United Nations Green Climate Fund, Senior Global Champion of UN ISDR in DRR-CCA, at unang ‘Asian co-chair of Green Climate Fund’ (na nakalikom ng US$13 bilyon ‘for climate adaptation and mitigation’).

Bukod dito, umani rin sila mga karangalan sa mga pangkalusugang kaganapan, gaya ng ‘Health MDGs’ kasama ang isang Galing Pook Award, Manuel L Quezon Award mula sa DOH para sa ‘TB eradication 97% immunization, 100% notification and 97% cure rate;’ BHW empowerment, BRTTH modernization – ongoing 600 bed capacity, Bicol Heart Center, ER Trauma, Bicol Cancer Institute and 2015 Manuel L Quezon Award for TB eradication.’

Kaugnay nito sinabi ni Salceda ang ganitong pahayag: “Itinuturing kong pinakamalapit sa puso ko ang karangalang ito mula noong 2015 at 26 taon bago noon”; ‘Spatial development’ ng ‘Guinobatan-Camalig-Daraga-Legazpi economic platform, Albay-Masbate-Sorsogon Tourism Alliance, Bicol International Airport;’ pagkakapili sa Albay bilang ‘2015 Philippine Tourism Star,’ at ng ng TripAdvisor/PATA bilang ‘Top Destination in October 2015’ kung kailan lumubo ang bilang ng mga dayuhang turista sa 439,175 mula sa 8,765 at mga turistang lokal sa 1,376,681 mula sa 124,675 bunga ng mga makulay na pagdiriwang ng ‘Magayon ‘Arts/Culture-based Festival, Karangahan Festival, Culinaria Albay;’ at suporta ng lalawigan sa pista ng mga bayan, ‘hosting’ ng ‘PATA International Convention, WTO and APEC, NAITAS, Philtoa,’ pagbukas ng Legazpi Airport sa turismong merkado ng Tsina.

Kasama rin sa makukulay na mga na kaganapan ang pagdalaw ng Reyna ng Espanya sa lalawigan, ang tinanggap nitong ‘Albay Poet Laureat Award, Albay Pageant Academy, Albay Ethnographical Surveillance and environment award, UNESCO Albay Biosphere, Albay Blue Economy,’ at ginanap na Palarong Pambansa sa lalawigan noong 2015 ppagkatapos ng 45 taon at ang pagkapanalo ng lalawigan ng tatlong sunod-sunod na taon bilang Regional Champion nito matapos ang 28 taon.

Dalawang taon ang termino ni Salceda bilang Incheon Foreign Advisor at naka-6 na siya — 2009-2011, 2011-2013, 2013-2015, 2015-2017, 2019-2021, at 2021-2023. Ika-7 na ang bagong termino niya ngayon na magtatapos sa Nobyembre 27, 2025. RNT

Previous articleKalansay ng nawawalang lalaki natagpuan sa Negros
Next article3 Palestinians sa Gaza, patay sa airstrike ng Israel