MANILA, Philippines- Iminungkahi ni Albay Rep. at House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na bawasan lamang at huwag tuluyang suspendihin ang pagpapataw ng fuel excise tax.
“Let us exhaust all measures before we touch our taxes — which is the lifeblood of the state,” paliwanag ni Salceda.
Sinabi ni Salceda na habang pinag-uusapan ang pagsuspinde ng excise tax sa harap ng pagtaas ng presyo ng langis sa merkado ay nagsumite siya ng ibang proposal kay House Speaker Martin Romualdez.
Aniya, ang nasabing proposal ay kanyang unang inihain noong 2018 at maari ngngayon ay akma ito sitwasyon.
“Reduce the excise tax by P3 when the average Means of Platts Singapore price exceeds $80 for three months. Increase the excise tax by P2 when the price is below $45,” mungkahi ni Salceda.
“The additional revenues during periods of low prices can be used for fuel subsidies when prices are high. The leadership is studying this approach. A highly volatile and socially sensitive commodity should not have such an inflexible tax regime,” anito pa.
Kabilang din sa proposal ni Salceda ang pagbibigay ng fuel discounts sa transport, farm at fisheries sectors.
Para sa planong pagbibigay ng fuel discount, sinabi ni Salceda na dapat magkaroon ng koordinasyon kung papayagan ito ng Commission on Elections kasunod na rin ng ipinatutupad na election ban para sa barangay elections sa Oktubre.
Ipinaliwanag ni Salceda na kung magpapatupad ng Pantawid Pasada Program para sa 180,000 jeepneys na bibigyan ng 30 litro ay gagastos ng P907 milyon.
Ang Pantawid Magsasaka program ay paglalaanan ng P3.36 bilyon habang ang Pantawid Program sa mangingisda ay P924 milyon.
Una nang nakipagpulong ang oil companies sa House Leadership upang talakayin ang posibleng hakbang para hindi lubos na maapektuhan ang publiko sa paglobo ng presyo ng langis sa 11 beses na magkakasunod na dagdag-presyo. Gail Mendoza