Home ENTERTAINMENT Salome, may payo sa mga bebot na bitin sa sex!

Salome, may payo sa mga bebot na bitin sa sex!

Manila, Philippines – Patuloy sa pag-arangkada ng magandang takbo ng showbiz career ni Salome Salvi, na isang Viva contract artist.

Ang aktres, na isang kilalang adult content creator, ay kaliwa’t kanan ngayon ang pinagkakaabalahan.

Pahayag ni Salome, “Ang current movie ko po is Ahas by direk Ato Bautista, part din ako ng TV series sa GMA-7, iyong Black Rider with Ruru Madrid. Plus, magho-host na rin po ako ng podcast under pa rin po ng Viva, and column for vmx.com.ph.”

Ipinahayag ni Salome ang reaction niya sa takbo ng kanyang showbiz career.

“Happy and grateful po ako na nakikitaan po ako ng potential ng mga batikang direktor and excited po akong makatrabaho ang mga artistang iniidolo ko lang po rati. Excited rin po ako na ma-challenge ang aking skills and matuto ng mga bagong aral tungkol sa pag-arte.”

Wika pa ni Salome, “Super happy po ako sa career ko and grateful po ako sa pag-alaga ng aking manager na si Mark Grabador.”

Ang podcast ba niya ay pang-adult ang content or parang Xerex type na tipong nagbibigay siya ng payo?

Esplika niya, “Iyong podcast po is going to be adult-oriented, for sure, pero ang slant po namin is more towards sex education. Kaya magiging informative and enlightening pa rin ang presentation niya. gaya nung naging atake namin sa SSSSHHH.

“And yes po magkakaroon rin po siya ng element ng pagbibigay-payo sa mga curious po about different topics na related sa sex and relationships.”

Kailan mapapanood ‘yung podcast ? Sa Vivamax din ba?

“Nasa conceptualizing and pre-production stage pa lang po kami ng podcast, pero kasado na po siya. Hindi ko lang po masabi kung kailan exactly ang release, pero most likely kasabay siya ng launch ng vmx.com.ph bilang bagong online men’s magazine.

“It’s going to be accessible on Spotify,” pahabol pa ni Salome.

Ano ang maipapayo niya sa mga babaeng laging bitin sa sex or yung hindi nakakarating sa orgasm dahil sa partner nila?

“Ang payo ko po is to first know your own body, as deeply as possible. Learn what your own needs are and learn how to communicate your needs to your partner effectively, and be with someone who you can practice it with. Kasi, good sex takes practice,” sambit pa ni Salome. Nonie Nicasio

Previous articleEU President Von Der Leyen nasa Malakanyang para sa bilateral talk kasama si Marcos
Next articleSC: Hudikatura katuwang sa pagpapaunlad ng bansa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here