Salpukan ng bus at van sa QC, nag-iwan ng 1 sugatan; drayber, aminadong nakaidlip

Salpukan ng bus at van sa QC, nag-iwan ng 1 sugatan; drayber, aminadong nakaidlip

June 26, 2020 @ 8:04 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sugatan ang isang indibidwal makaraang magsalpukan ang isang van at bus sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City nitong hapon ng Biyernes, Hunyo 26.

Bandang 2:45 ng hapon nang maganap ang insidente na ikinabigla ng mga residente nang makitang sumalpok ang sasakyan sa kanilang harapan.

 

Sa kabutihang palad, walang ibang taong naglalakad sa bangketa at wala ring sakay ang mga kotse na apektado ng karambola.

Aminado ang driver ng bus na si Ricardo San Jose na napaidlip ito at hindi namalayan ang nangyari. Nagpsalamat naman itong isa lamang ang kanyang sakay nang maganap ang aksidente.

Samantala, sumalpok ang mga naararong kotse sa poste ng ginagawang bahagi ng MRT-7. Ayon kay Rodelio Gregorio, safety officer ng EEI Corporation, ia-assess pa nito kung nagkaroon ng sira ang mga posteng nadamay.

Dinala na ang isang nasugatan sa pagamutan.

Posible namang maharao sa reklamo ang suspek, kagaya ng Reckless Imprudence Resulting to Damage In Property at Physical Injury. RNT/MM/Val Leonardo

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...