MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang Philippine Salt Industry Development Act.
Ang nasabing panukala na nakapaloob sa House Bill 8278 ay isa sa priority measures ni Pangulong Ferdinand Marcos kung saan layon nitong tutukan ang produksyon ng asin sa bansa.
Sa kanyang sponsorship bill sinabi ni Quezon Rep Wilfrido Mark Enverga na nakalulungkot na nakadepende ang bansa sa supply ng asin sa ibang bansa gayong ang Pilipinas ay mayaman dito.
“Challenges exist in the local salt industry, hence, immediate steps must be taken to address them. We need to save our sinking salt industry,” paliwanag ni Enverga.
Advertisement