Sam Milby, natorpe kay Catriona!

Sam Milby, natorpe kay Catriona!

May 22, 2020 @ 10:35 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Sa Facebook Live na pinangunahan ng Cornerstone Entertainment, Inc., nagbigay ng surpise birthday greeting si Ms. Universe 2018 Catriona Gray, through a taped video, para sa Kapamilya actor na si Sam Milby.

“Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness.

“You are loved by so, so many!” sabi pa ni Cat.

Dahil sa video greeting ay mistulang natorpe si Sam at putol-putol na hindi makapagsalita ng maayos.

“Kay Ms. Catriona, hi! Nahiya ako…

“Thank you for your greeting…hindi ko alam kung anong sasabihin ko,” sagot naman ni Sam.

Kasunod nu’n ay inamin ni Sam na “very special”sa kanya si Catriona Gray.

Sa huli ay inamin ni Sam ang true feelings niya sa birthday greeting sa kanya ni Cat.

“Basta I’m super kilig sa message. Hindi ko in-expect talaga na magme-message siya. Thank you.

“I can be torpe talaga, minsan,” sabi pa niya.

Bukas, Sabado, May 23, ay ang 36th birthday ni Sam Milby. Joey Sarmiento

Share

Leave a Reply

Loading...