Home ENTERTAINMENT Sam, sinagot ang isyung live-in na sila ni Rhian!

Sam, sinagot ang isyung live-in na sila ni Rhian!

Manila, Philippines – Tutok to Win party list Representative Sam “SV’ Versoza got his inspiration to help the less privileged from his late dad.

Nakaukit na raw sa utak ng nobyo ni Rhian Ramos na huwag pansinin ang mga taong naninira sa kanya.

Ang mahalaga raw ay nakakatulong siya’t walang tinatapakang tao to advance his personal interest.

Mula CNN Philippines ay GMA na ang bagong tahanan ng public service program ni Sam.

Utang daw niya kay Rhian ang mahasa sa larangan ng TV hosting.

In fact, kinakaray pa niya ang aktres sa mga taping nito.

Sam considers Rhian his support system who believes that blessings need to be shared sa mga taong higit na nangangailangan.

The lawmaker is just too happy na pareho na silang Kapuso ni Rhian.

Siyempre, dahil kaharap niya ang entertainment press ay inusisa si Sam kung ano na ang extent ng kanilang relasyon ni Rhian.

Aniya, bawat relationship naman daw needs to level up.

To the point of living in together sa kanilang kaso?

Truth be told, wala pa raw sila sa ganoong setup.

In fact, Rhian stays with Makati where her housemate is also her BFF Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Siya naman ay sa Quezon City naninirahan.

Despite their geographical distance at pagiging abala sa kanyang trabaho, Sam makes it a point to find bonding time with Rhian.

Celebrity ang nobya niya, at one point ba ay hindi naisip ni Sam na pumalaot na rin sa mundong kinabibilangan ni Rhian?

After all, the legislator has got the looks.

Sagot ni Sam: “Naku, hindi! I’m not cut out for showbiz…pang-public service lang talaga ako!” Ronnie Carrasco III

Previous articleVP Duterte sa DOJ: Drug war probe ng ICC ‘wag payagan
Next articlePagsita sa EDSA bus lane violators pinaigting