Home METRO Samar inuga ng M-4.6 na lindol

Samar inuga ng M-4.6 na lindol

MANILA, Philippines – INUGA ng magnitude 4.6 na lindol ang Samar hapon ng Linggo, Pebrero 25 inulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang intensity 1 na lindol sa Kawayan, Biliran dakong alas-2:14 ng hapon.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang location ng lindol ay sa silangan ng San Jose De Buan, Samar at ang origin ng lindol ay tectonic at may lalim na 036 kilometro sa lupa.

Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naganap ang lindol. Santi Celario

Previous articleComelec nagbabala vs mga sindikato para sa 2025 elections
Next articleDemo ng automated poll system ng Miru idaraos sa Kongreso