Home NATIONWIDE San Jose del Monte, Bulacan bilang highly urbanized city suportado ng mga...

San Jose del Monte, Bulacan bilang highly urbanized city suportado ng mga solon

MANILA, Philippines – Suportado ng grupo ng mga mambabatas ang pagdedeklara sa San Jose del Monte, Bulacan bilang isang highly urbanized city.

Sa pahayag nitong Sabado, Oktubre 21, sinabi ng National Movement of Young Legislators Bulacan Chapter na pumirma ito ng manifesto noong Oktubre 19 na nagpapahayag ng suporta sa posibleng transition ng lungsod.

Kabilang sa pumirma si Bustos, Bulacan Councilor Marie Niña Nikkie Perez, kasalukuyang chairperson ng National Movement of Young Legislators Bulacan Chapter.

Binanggit ng grupo ang Local Government Code of 1991, na nagsasabing, “cities with a minimum population of 200,000 inhabitants as certified by the Philippine Statistics Authority, and with the latest annual income of at least 50 million based on 1992 constant prices, as certified by the Treasurer, shall be classified as highly-urbanized cities.”

Bago rito, nasa 23 alkalde ng probinsya ng Bulacan ang nagpahayag din ng suporta sa conversion ng lungsod.

Nakatakda ang plebisito para sa conversion sa Oktubre 30 kasabay ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections ayon sa Comelec. RNT/JGC

Previous articleSpecial permit sa 767 bus sa BSKE, Undas inihahanda na
Next articleMas maraming sundalo ipinadala sa BARMM sa papalapit na BSKE