Home ENTERTAINMENT Sandara, nasa Pinas, sasabak sa Batang Quiapo?

Sandara, nasa Pinas, sasabak sa Batang Quiapo?

Manila, Philippines- Pambansang Krung Krung Sandara Park is in town.

Ang pagbisitang muli rito ng South Korean idol who’s very Pinoy by heart ay para sa TVC shoot ng isang local na inuming nakakalasing.

Ipinost nga ni Sandara ang litrato nila ng mga kasama rin niya sa shoot na sina Coco Martin, Maris Racal at Shanti Dope.

May picture pa si Sandara na nasa footbridge sa harap ng isang malaking billboard ad na sumasayaw-sayaw.

Very apt nga ang ibinigay na description ng mga netizens: “Batang Seoul meets Batang Quiapo.”

Dahil dito’y nagkaideya ang mga ito na why not give Sandara a cameo role in Coco’s primetime teleserye?

Suhestyon nila sa gumaganap bilang Tanggol, samantalahin nito habang nasa bansa si Sandara.

Tiyak daw kasing aabangan ang guest appearance niya sa BQ, not to mention na makakatulong pa ‘yon para ilampaso ng BQ ang katapat nitong Black Rider.

May nag-suggest din kay Sandara na muling bumisita sa compound ng ABS-CBN.

Matatandaang nang huling narito si Sandara at mag-guest sa It’s Showtime ay  nagtatakang hinahanap niya ang kanyang nawawalang framed picture na nakasabit along the corridor.

Tiyak daw kasing pumayag lang siyang mag-guest sa BQ ay ibabalik ang litrato niya sa pader ng gusali. Ronnie Carrasco III

Previous articlePinoy na guro sa US inaresto sa child pornography
Next articleCloud seeding sa Region 2 ikinokonsidera ng DA