Home METRO Sanggol lapnos sa kumukulong tubig pang-kape

Sanggol lapnos sa kumukulong tubig pang-kape

MANILA, Philippines – Lapnos ang malaking bahagi ng katawan, partikular na ang mukha, balikat at dibdib ng isang taong gulang na sanggol.

Ito ay matapos na mabanlian ang biktimang si Alvina Rosete ng kumukulong tubig sa Mangatarem, Pangasinan.

Ayon sa ama ng sanggol, aksidente umanong natabig ng kaniyang anak ang mainit na tubig na inilapag ng kaniyang asawa sa kusina.

Ang mainit na tubig ay gagamitin sana pangtimpla ng kape.

Nananawagan naman ng tulong ang pamilya ng sanggol sa gastusin sa pagpapagamot sa bata. RNT/JGC

Previous articleKathryn, lilipat kay Maja, iiwan na ang Star Magic?
Next article6 illegal recruitment agencies ikinandado ng DMW noong 2023