Home METRO Sanggol patay sa sunog sa Bohol

Sanggol patay sa sunog sa Bohol

MANILA, Philippines – Patay ang apat na buwang sanggol sa sunog na sumiklab sa Bohol.

Ang sanggol ay kinilalang si Prince Nikola Alcala.

Sumiklab ang sunog sa Gondong Street, Purok 2, Ubujan District, Tagbilaran City bandang 12:48 ng hapon nitong Sabado, Pebrero 24, 2024.

Itinaas sa unang alarma ang sunog sa tirahan na pagmamay-ari ng isang Romeo Bantugan, Sr.

Wala nang iba pang iniulat na nasaktan sa sunog.

Aabot naman sa P37,500 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente. RNT/JGC

Previous articleRebeldeng taga-Maynila patay sa engkwentro ng militar sa Cagayan
Next articleExtradition laban kay Teves, gumugulong na – DOJ