Home NATIONWIDE Sanib-pwersang pagboto ng Senado, Kamara sa Cha-cha target ng PIRMA

Sanib-pwersang pagboto ng Senado, Kamara sa Cha-cha target ng PIRMA

MANILA, Philippines- Inamin ng grupo na bumuhay sa adbokasiyang amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng people’s initiative na nilalayon nitong makita ang mga senador at congressmen na bumoto nang iisa sa charter change proposals.

Sa isang panayam, sinabi ng negosyanteng si Noel Oñate, National Lead Convenor of People’s Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA), na nangangalap ang grupo ng  lagda ng mga botante upang amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative.

Aniya, mapagdedesisyunan ng mga senador at mambabatas ng Kamara ang panukalang amyendahan ang charter sa pamamagitan ng sanib-pwersa at hindi hiwalay na pagboto.

Inamin ni Oñate na nakikipagtulungan sila sa ilang mambabatas.

“Ttis has been our advocacy for the past 28 years. We want this to be voted jointly by both Houses. What we want to happen is that in the voting, it has to be voted jointly, not separately,” giit ni Oñate.

“Of course, if we are going to work in each congressional district. We have to coordinate with the congressman in each district. But our coordination is purely on the admin level, which means that we go to them so that we will find out terrain of district number of voters. We don’t get any help from Congress, we don’t get funds. Most are volunteers,” aniya pa.

Nananatiling kritikal si Senator Imee Marcos sa signature drive, sa gitna ng alegasyong sinusuhulan ang mga botante para pumirma sa petisyon.

“Nag-umpisa ang pay-off rate sa P100, ngayon ay umaabot na sa P1,000 sa ibang lugar kasi mainit na ang ulo ng mga tao daw. Tapos yung iba, P40 na lang, ano ba ito. Saan ba bumubukol yan. Pambihira talaga pa-pay off-pay off, isipin mo nakakahiya kasi Konstitusyon ang pinag-uusapan. Naku naman hindi naman binebenta ang Konstitusyon. Para namang ibinenta natin ang kaluluwa ng bayan,” pahayag ni Marcos nitong Huwebes.

Isinusulong ni Marcos ang Senate probe sa naiulat na panunuhol, na aniya’y nangako rin ng P20 milyong government aid kada distrito.

Ibinahagi ng ang kanyang palagay at kung sino ang nasa likod nito.

“Makita mo ang karamihan ng alok galing sa Kongreso. So, alam naman natin yung power of the purse nagmumula talaga sa Congress. Kinakailangan na sumang-ayon sila. Kasi yung mga bossing sa Kongreso, iba sa Senado. Sa Senado, pakisamahan eh, kahit papano magtiisan kayo, kasi talagang kanya-kanyang boto run,” wika ng senador.

Pinabulaanan naman ito ni Oñate.

“That’s not true. As I’ve said, everything will undergo discussion process. It will go through debate, discourse until we found out what’s good, and that’s what we’re gonna include in our amendment,” ayon kay Oñate.

Dagdag niya: “Some of our political leaders broached the idea but the President did not say anything. what he said was let us study.”

Nangako si Marcos na ipatatawag lahat ng nasa likod ng signature drive, kasama si Oñate.

“Okay I will appeal, and I will use it to propagate our cause. Nagkaroon pa ako ng platform for free,” tugon ni Oñate.

Samantala, nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa mga grupong nagsusulong ng charter change na itigil na ang kanilang ginagawa.

“Tigilan na po ang pagkakait sa ating mga kababayan ng ayuda dahil lang sa hindi nila pagpirma ng petisyon ng diumano’y People’s Intiative. Huwag po nating linlangin ang taong bayan na kailangan natin ang charter change para solusyunan ang problema ng lipunan,” apela ni Villanueva.

Itinanggi ng PIRMA leader ang mga alegasyon na binabayaran nila ang mga lumalagda sa kanilang PI petition, at iginiit na gumagawa lamang ng mga kwento ang anti-charter change groups laban sa kanila.

Target ng PIRMA na isumite ang nakalap nilang lagda sa  Commission on Elections sa Hunyo 2024.

Sakaling magtahumpay sila sa plebisito, sinisilip ng PIRMA na baguhin ang bicameral form ng gobyerno sa unicameral.

“Everything will be on consensus and consultation basis and there will be discussion, and then we will come with these things on whether local officials will have six years instead of three years,” aniya.

Base kay Marcos, nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri para sa “all-senators’ caucus” na nakasentro sa people’s initiative issue.

Layunin umano nito na magkaroon ng iisang paninindigan ang Senado ukol sa usapin. RNT/SA

Previous articleJennica, nagpaliwanag sa pagiging ‘starlet’!
Next articleGiyera sumiklab na sa pagitan ng Houthi at US, UK at iba pa