Home NATIONWIDE Santo Papa nanawagan sa pagpapalaya ng mga bihag na madre, iba pa...

Santo Papa nanawagan sa pagpapalaya ng mga bihag na madre, iba pa sa Haiti

VATICAN – Nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na pakawalan ang mga bihag kabilang ang anim na Madre na kinidnap sa isang bus sa Haiti noong Biyernes at sinabing ipinagdarasal niya ang pagkakasundo ng lipunan sa bansa.

Hinijack ng mga armadong lalaki ang isang bus sa kabisera ng Haiti na Port-au-Prince na may sakay na hindi bababa sa anim na madre at nagmaneho patungo sa hindi kilalang destinasyon na bihag ang lahat ng pasahero, iniulat ng Vatican News noong Sabado, na binanggit ang Haitian Conference of Religious group.

“I have learned with sorrow of the kidnapping, in Haiti, of a group of people, including six religious sisters,” Pope Francis said after his weekly Angelus prayer.

“In my heartfelt plea for their release, I pray for social concord in the country, and I invite everyone to bring an end to the violence, which is causing a great deal of suffering to that dear population,” dagdag pa ng Santo Papa.

Tumitindi ang karahasan sa loob ng ilang buwan sa Haiti sa mga grupo na nakikipaglaban sa kapangyarihan at naghahangad na maglagay ng panggigipit sa pansamantalang Punong Ministro na si Ariel Henry, bago matapos ang Pebrero 7 ng isang pampulitikang kasunduan na nagpatatag sa kanyang kapangyarihan.

Nauna ang karahasan bago ang inaasahang desisyon ng Korte sa Enero 26 na pinangunahan ng Kenya multinational force upang tugunan ang karahasan ng grupo sa bansa , Isa sa pinakamahirap sa Western Hemisphere. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleState of calamity idineklara sa San Fernando, La Union
Next article884 munisipalidad, lungsod nakatanggap ng lagda sa People’s Initiative