Home HOME BANNER STORY Sapat na stock ng bigas tiniyak ni PBBM

Sapat na stock ng bigas tiniyak ni PBBM

412
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may sapat na stock o imbak ng bigas ang Pilipinas na tatagal hanggang matapos ang El Nino phenomenon sa susunod na taon.

Nauna rito, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa pangunguna ng Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement (PRISM) sa Palasyo ng Malakanyang.

“The rice situation is manageable and stable. There is enough rice for the Philippines up to and after the El Niño next year,” ayon sa Pangulo.

Bago pa ang pahayag na ito ng Chief Executive, nag-presenta muna sa kanya ang Department of Agriculture (DA) at PRISM ng rice supply outlook para sa bansa hanggang sa pagtatapos ng  2023.

Nagpatawag ng miting ang Pangulo kasama ang mga stakeholders para pag-usapan ang kalagayan ng rice industry at mga hakbang para masiguro na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Sa nasabing pagpupulong, sinabi ni DA Undersecretary Merceditas Sombillo na “with the low scenario with the assumption of a maintained level of production, the projected ending stock for 2023 is 1.96 million metric tons (MMT), enough to last for 52 days.”

Tinuran pa ni Sombillo na “the ending stock projection based on data from the Philippine Statistics Authority presents an even better scenario as the ending stock is projected at 2.12 MMT, which would last for 57 days.”

Ang pag-aani ng  palay ay nakatakdang magsimula sa Setyembre  hanggang Nobyembre.

Sa isang panayam, tiniyak naman ni Rowena del Rosario-Sadicon, lead convenor ng PRISM, sa publiko na may sapat na suplay ng bigas sa pagtatapos ng taon.

Aniya, naging positibo ang kinalabasan ng pakikipagulong nila kay Pangulong Marcos kasama ang  Private Sector Advisory Council (PSAC).

“We don’t need to panic for anything else. Kalma lang po tayo. It’s very important that we are one in our objective to be positive on this. Mayroon po tayong sapat na bigas,” ayon kay Del Rosario-Sadicon. Kris Jose

Previous articleLava flow sa Basud Gully ng Mayon umabot na ng 1 kilometro
Next articleCagayan inuga ng M-4.4 na lindol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here