Home NATIONWIDE Sapat na suplay ng bigas sa unang kalahati ng 2024 tiniyak ng...

Sapat na suplay ng bigas sa unang kalahati ng 2024 tiniyak ng DA

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes na sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa unang kalahati ng taon dahil sa imports at inaasahang ani.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, magiging matatag din ang presyo ng bigas sa unang kalahati ng taon.

“We have enough rice supply so prices should remain stable through the first half of the year. Our priority now is market stability,” pahayag ni Tiu-Laurel.

Subalit, sinabi ng DA na posibleng tumaas ang presyo ng bigas pagsapit ng Setyembre dahil sa nakaambang epekto ng El Niño sa bansa, maging international demand.

Ayon pa sa DA chief, magiging alerto ang departamento laban sa rice profiteers na magho-hoard ng rice supplies, na makapagpapataas sa presyo nito.

“What we need to guard against now are profiteers who may attempt to exploit the situation by using El Niño as an excuse to hoard rice supply to push local prices to unreasonably high levels,” dagdag niya.

Gayundin, sinabi ng ahensya na para sa Disyembre at Enero, nag-angkat ang bansa ng 750,000 metric tons ng bigas. RNT/SA

Previous articleACT: Nag-iisang public school sa NCR na lusot sa PISA 2022 dapat magsilbing ‘wake-up call’
Next articlePAGASA sa publiko: Magtipid ng tubig