Home HOME BANNER STORY Sara ‘di magbibitiw sa pagka-VP at DepEd chief

Sara ‘di magbibitiw sa pagka-VP at DepEd chief

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules, Enero 24, na wala siyang sinabi tungkol sa pagbibitiw sa kanyang puwesto noong 2025.

Ang kanyang pahayag ay dumating sa gitna ng mga haka-haka na siya ay bababa sa kanyang puwesto matapos sabihin noong Martes na siya ay nangangampanya na para sa susunod na lokal na halalan.

Ang susunod na halalan ay gaganapin sa 2025 pero magtatapos ang kanyang termino sa pagka-Bise Presidente sa 2028 pa.

“Narinig ko na sinabi ng aking kapatid, si Mayor Baste [Duterte], at ng aking mas matandang kapatid, si Congressman Pulong [Duterte], hindi na sila tatakbo. Baka hindi sila tatakbo sa susunod na eleksyon, kaya’t narito ako sa inyong harap dahil mangangampanya ako sa inyo dahil tatakbo ako sa susunod na eleksyon,” aniya sa kanyang talumpati sa wikang Bisaya.

“I think ‘yung confusion is piecemeal ang appreciation ng mga tao doon sa sinabi ko. Ibig sabihin, tinatanggal nila ang isang linya para sabihin kung ano ang gusto nila na interpretation,” aniya pa. Santi Celario

Previous articlePinay na inaresto sa Tokyo itinangging may kinalaman sa krimen
Next article3 patay, 26 sugatan sa araro ng bus