Home NATIONWIDE Sara Duterte: Mga mag-aaral palakasin sa pamamagitan ng literacy

Sara Duterte: Mga mag-aaral palakasin sa pamamagitan ng literacy

MANILA, Philippines- Inihayag ni Vice President at concurrent Education Secretary Sara Duterte nitong Biyernes na nais niyang palakasin ang mga kabataan sa pamamagitan ng literacy.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Philippine Book Festival sa Davao, binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng mga aklat sa paghikayat sa mga bata na pagsikapan ang literacy, na isinusulong ng bagong Matatag Curriculum ng Department of Education (DepEd).

“Our direction is not only for our learners to possess the power of writing and reading, but, most importantly, for them to value this power as it could help them navigate life successfully,” anang Vice President.

“Our campaign necessitates rekindling our learners’ interest in the written word through reading books and other materials that could ignite their curiosity, give space for their creativity, and nurture their intellect,” dagdag pa ni Duterte.

Gayundin, nagpasalamat si Vice President sa National Book Development Board at authors sa kanilang kontribusyon sa publishing industry ng bansa.

“The importance of your work is something that we cannot overemphasize—and the same can also be said about the significance of the books authored by people who have dedicated their lives to the profession and advocacy of sharing their expert or academic knowledge with others, giving inspiration to others, or entertaining others through their stories—fiction or nonfiction,” sabi ng DepEd Secretary.

Umaasa umano si Duterte na yayabong ang bagong henerasyon ng mga mag-aaral bilang competent individuals na gagabay sa bansa tungo sa mas magandang hinaharap. RNT/SA

Previous articlePagtanggal sa 1.3M pamilya sa 4Ps, pinasususpinde ng House panel
Next articleBong at Binoe, magsasama sa pelikula!