Home ENTERTAINMENT Sarah, binansagang ‘Tuyot Queen’!

Sarah, binansagang ‘Tuyot Queen’!

Manila, Philippines- For sure ay tatawanan lang ni Sarah Lahbati ang mga titulong ibinibigay sa kanya ng mga netizens.

Isa kasi sa mga ito ang nagbansag sa kanya bilang Tuyot Queen.

Still another added another title: Tuyot Queen na, Payat Queen pa!

Bumawi naman ang ikalawang netizen by enjoining others to pray for Sarah’s healing.

Pero mas marami ang dumedepensa kay Sarah.

Dahil obyus naman daw na may pinagdadaanan ito, advice ng concerned netizen is to be kind to Sarah.

To begin with, paano raw magkakaroon ng healing ang misis ni Richard Gutierrez kung lagi na lang itong inenega?

Saka hindi raw “tuyot” ang angkop na paglalarawan sa hitsura ni Sarah.

To describe her with a “toned physique” is more politically correct daw.

Samantala, mismong sa ina na ni Sarah na si Esther nanggaling na co-parenting ang setup ng estranged Gutierrez couple sa kanilang mga anak

Nilinaw rin ni Esther na hindi kasama ang mga ito sa Japan where the Gutierrez family spent their holiday vacation.

Kasama raw nila sa Bohol sina Zion at Cai with their mom Sarah. Ronnie Carrasco III

Previous article3 batang lalaki naputukan sa E. Visayas
Next articleShawie ‘pinugutan’ ang sarili!