Home ENTERTAINMENT Sarah, inaasar si Annabelle sa IG?

Sarah, inaasar si Annabelle sa IG?

Manila, Philippines- Flex to vex.

Wari’y ito ang istratehiya na naisip ni

Sarah Lahbati laban sa kanyang biyenan na si Annabelle Rama.

Masasabi ngang defiant o palaban na rin ang misis ni Richard Gutierrez sa kape-flex ng ilan sa kanyang mga mamahaling personal effects o belongings in an attempt to “spite” her mother-in-law.

Ito’y kesehodang ayaw sundin ni Sarah ang payo ng kanyang ama na: “Don’t mind dogs barking!”

The irepressible Sarah has taken to Instagram posting her luxury belongings.

Nauna nang ipinost ni Sarah ang mahigit P2M niyang brandnew car which figured in a recent car accident on Skyway.

Hindi lang ‘yon, nagpost pa siya ng kanyang Gucci bag, shoes, perfume, etcetera.

Nilakipan niya ito ng caption na “Treat yourself this holiday season!”

Matatandaang nagpost si Annabelle ng makahulugang reference tungkol sa pagtatrabaho ng anak na si Richard vis a vis ginagawang pagwawaldas naman ng isang taong hindi niya pinangalanan.

Albeit unnamed, obyus namang si Sarah ang tinutumbok ni Annabelle.

Hanggang sa sinusulat ito’y walang kontra-salita ang namumutawi sa bibig ni Sarah sa pamamagitan ng social media posts.

But knowing Annabelle, pinipigilan lang daw siya ng kanyang abogado from telling all.

One thing’s for sure, the Gutierrez family is all set to spend the coming holidays in Japan nang hindi raw kasama si Sarah.

Annabelle earlier stated na ayaw niyang maghiwalay sina Richard at Sarah if only because of her apo, the couple’s two children Zion and Kai.

Meanwhile, posibleng bago ang kanilang Japan trip ay may “pabaong pasabog” si Annabelle.

Kumbaga, nauna na ang “pasalubong”! Ronnie Carrasco III

Previous articleChristian, may hanash sa showbiz breakups!
Next articleIna ni Sarah, may resbak kay Anabelle?