Home ENTERTAINMENT Sarah, inasar si Anabelle!

Sarah, inasar si Anabelle!

Manila, Philippines- For sure, very much aware si Annabelle Rama kung ano ang literal na ibig sabihin ng asar-talo.

And since the feisty showbiz mom knows its core meaning, hangga’t maaari ay iniiwasan niyang maasar sa pagpo-provoke sa kanya sa social media.

Or else talo siya!

Ang latest, obyus na ang manugang niyang si Sarah Lahbati threw shade at her.

Kung matatandaan, si Annabelle ang nagpahiwatig na winawaldas umano ni Sarah ang perang kinikita ng asawang si Richard Gutierrez.

Habang nagpapakapagod daw ang aktor ay walang habas naman daw kung gumastos ang misis nito.

Sarah though has yet to address the issue.

Hindi man niya naipagtatanggol ang kanyang sarili on her being an alleged shopaholic, what is social media doing?

Eh, di gawing sounding board ito!

Sarah did exactly just that!

Sukat ba namang nagpost siya ng: “Who wants to go shopping with me?”

As if kulang pang pang-iinis ‘yon, may video pa siyang nagli-lip synch habang umaawra.

Umani tuloy ng mga bansag si Sarah mula sa mga netizens.

Isa na rito ay ang pagiging “Unbothered.”

Meron pang “Waldasera” connecting it to 2024 being the “Year of the Waldas Dragon.”

Tinawag din siyang Patron Saint of Shopping.

Ang tanong: would Annabelle Rama retaliate?

Abangan! Ronnie Carrasco III

Previous articleKim, sinampal ni Maricel, sinuhulan!
Next article2 tiklo sa P.2M shabu