Home ENTERTAINMENT Sarah, nagmukhang ‘tanders’!

Sarah, nagmukhang ‘tanders’!

Manila, Philippines – May kasabihan ngang: “You cannot please everybody.”

And by everybody, kasama rin dito ang mga magazine subscribers/readers.

May ilan kasi sa mga ito ang hindi nagkagusto sa itsura ni Sarah Lahbati who graces the January issue of Cosmo Philippines.

Isa lang ang kanilang nagkakaisang obserbasyon: mukhang “tanders” o matanda raw si Sarah sa picture na ginamit sa cover.

Obyus daw na malaki ang ipinayat nito, dahilan para magmukhang humpak ang kanyang pisngi.

Resulta daw ba ‘yon ng marital issue nila ni Richard Gutierrez?

Maano raw ba namang namili ang magazine executive ng mas magandang larawang gagawing pabalat, na makikita sa inside pages nito?

Samantala, halatang playing safe si Sarah sa interview ng Cosmo sa kanya.

Safe in the sense that she never touched on how difficult her life has been these days.

Consider this direct quote from her: “We’re okay. I’m holding up pretty well. There’s nothing more I can say than I feel blessed. I’m happy!”

Kunsabagay, happiness depends from where one is looking at it.

Blessed nga si Sarah dahil pinagbuksan siyang muli ng pintuan ng showbiz.

A Viva artist, Sarah is set to star in a TV5 series Lumuhod Ka Sa Lupa.

But just the same, iwas na iwas si Sarah in letting the public crash her private territory.

For her kids’ sake? Ronnie Carrasco III

Previous articlePUVs na pumapasada sa NCR tatapyasan
Next articlePatay sa Davao landslide umakyat sa 16 – NDRRMC