Home ENTERTAINMENT Sarah, nagparinig, may kaibigang nag-traydor?

Sarah, nagparinig, may kaibigang nag-traydor?

Manila, Philippines – May pagka-profound ang hugot ni Sarah Lahbati tungkol sa friendship o pagkakaibigan, this she unleashed on social media.

Madali lang masakyan ang post niya: she felt betrayed.

In short, trinaydor siya ng ‘di niya pinangalanang tao who she thought was her friend.

Bale ba, her realization came noong naghiwalay na sila ni Richard Gutierrez.

Sarah posted: “I wish I had known that not everyone is your friend. And keeping a small circle is better than having a bunch of friends. That’s deep!”

Binanggit ni Sarah ang aniya’y mga katangian ng isang tunay na kaibigan as far as she’s concerned.

Para sa kanya, a real friend checks on you when you are quiet.

Tiyak daw kasing may nagaganap sa iyong buhay kapag nananahimik ka.

Add to that, ang isang tunay na kaibigan daw ay laging nariyan whatever the circumstances are.

Ke masaya o malungkot ka raw, that person makes it a point to be around for you.

Marami namang netizens ang nakaka-relate sa emote ni Sarah on the so-called fair weather friends.

It’s interesting to note na of late, Sarah seems to be enjoying her freedom to the hilt.

Ito ‘yung pribilehiyo niya na hindi niya tinamasa during her happier times with Richard.

Tinanggal na rin niya ang kanyang mga inhibitions sa katawan, however not to the point na nagwawala siya sa buhay.

Marami naman ang naiintriga kung sino ang pinatutungkulan ni Sarah as the ones she had mistaken for real friends pero peke pala.

But if there’s one soul who’s slugging it out with her now that things are not well with her, ‘yun ay si Sofia Andres.

Proof nga ng suporta ni Sofia sa kanya ay ang pag-unfollow din nito kay Richard sa Instagram.

May ideya naman ang ilang netizens sa hanash ni Sarah.

Could it be from showbiz din daw?

Ito raw ba ang celebrity couple na itinangging pumunta raw si Sarah sa bahay nila with bruises all over?

As in kapitbahay din daw ni Sarah sa dating tinitirhang exclusive subdivision somewhere in the south? Ronnie Carrasco III

Previous article‘Worst traffic’ global ranking ng Metro Manila aaksyunan ng PH gov’t
Next articlePH-Canada defense ties pinagtibay