Home METRO Sasakyan ng alkalde pinaputukan, drayber sugatan

Sasakyan ng alkalde pinaputukan, drayber sugatan

TACLOBAN CITY – Pinaputukan ng hindi pa nakikilalang armadong suspek ang sasakyan ng isang alkalde sa Leyte na ikinasaguta ng drayber nito habang himalang nakaligtas naman ang iba pang sakay ng mga ito.

Napag-alaman na ang sasakyan ay pagmamay-ari ng mayor ng San Isidro, Leyte at nangyari ang pamamaril sa Barangay Dapdap, Alangalang, Leyte, nitong Huwebes, Marso 14.

Kinilala ng pulisya ang mga sugatan na si Ranel Batiquin Reubal, 44, ng Barangay Linao, San Isidro.

Ayon sa imbestigasyon, binaril ng mga armadong sakay ng isang gray na pickup ang sasakyan habang papunta ito sa Alangalang town proper.

Sugatan sa likod si Reubal at hindi naman nasaktan ang kasama nitong si Carlo Emman Pauligue, 44, residente ng Barangay Daja Dako, San Isidro.

Nagmaniobra ang sasakyan ng mga suspek sa Santa Fe at si Reubal ay tumuloy sa Alangalang proper. RNT

Previous articleKonsi timbog sa P6.8 tobats sa QC
Next article500K JOs, contractual sa gobyerno pasok sa SSS