Home METRO Sasakyan ng DA nahulog sa bangin, 2 sugatan

Sasakyan ng DA nahulog sa bangin, 2 sugatan

KAYAPA, Nueva Vizcaya – Sugatan ang dalawang kawani ng Department Of Agriculture o DA Cordillera Administrative Region o CAR matapos madamay sa pagkahulog sa bangin na bahagi ng Nueva Vizcaya-Benguet Road, Pangawan, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Isang puting Toyota Hilux na nakarehistro sa Department of Agriculture (DA) Regional Field Office CAR ang noo’y nasa pag-iingat ni Roy Akian, 39-anyos, driver at residente ng La Trinidad, Benguet ang sangkot.

Natukoy namang kabilang sa mga pasahero at biktima sina Kimverly Diwas, 25-anyos, Development Management Officer I ng DA Baguio City at Sheena Iniwe, 27-anyos, isang Field Ennumerator ng DA, Baguio City na mga residente ng La Trinidad, Benguet.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na tumigil sa nasabing lugar ang driver at limang sakay nito lulan ng pick up patungong Paracelis, Mt. Province upang sanay gumamit ng palikuran.

Natukoy na dalawa sa apat na sakay ng driver ang bumaba at naiwan naman ang iba sa sasakyan at ilang saglit pa ay nakita na lamang ng driver ang sasakyan na dumadausdos pababa.

Sinubukan pa umanong pigilan ng driver ang pick up subalit tuluyan pa rin itong nahulog sa halos 30 metrong lalim na bangin mula sa ibaba .

Dinala sa Lt. Memorial hospital ang dalawang naiwang sakay ng sasakyan na sugatan at tuluyan na ring nakalabas.

Naangat na rin ang sasakyang nahulog at sa kasalukuyan ay tinataya pa ang kabuuang halaga ng pinsala na iniwan ng aksidente. Rey Velasco

Previous articleLalaking nanutok ng baril patay sa pulis
Next articlePagkakasangkot sa Senate coup pinabulaanan ng Kamara