Manila, Philippines – Marami na nga ang humahanga sa kanya bilang aktor ay nadagdagan pa ang mga tagahanga ni Jerald
Napoles.
May kinalaman ito sa naging karanasan niya nitong magbukas ang FIBA World Cup kung saan siya galing at nanood ng laban sa
pagitan ng Gilas Pilipinas at Dominican Republic.
Sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ito ginanap.
Ayon sa kuwento ni Jerald sa kanyang Facebook page, pauwi na raw siya nang banggain ng truck ang kanyang sasakyan sa daan.
Umangat daw ang bumper ng sasakyan niya.
May kasama raw ang truck driver pero dedma lang daw ito na parang walang nangyari.
Na-document ni Jerald sa video ang pag-uusap nila ng truck driver na tinawag niyang Kuya Ranzy.
Jerald flagged him down, made him get off the truck para kausapin.
Kung tutuusi’y puwedeng singilin ni Jerald ang driver na nambangga sa kanya dahil ito naman ang may violation.
Pero paniniwala ng nobyo ni Kim Molina: “A problem cannot be solved by another problem.”
Pinili na lang ni Jerald na huwag nang pabayaran sa driver ang nilikha nitong damage sa kanyang sasakyan.
Katwiran niya, “Kapag naningil ako, ibabawas lang ‘yon sa sahod niya. Since ako naman ang may pinansyal na kakayanan, sabi ko, ako na lang ang magpapaayos ng nasira.”
Bagama’t pinatawad niya ang nahihiyang driver ay pinagsabihan na lang daw niya ito.
Sa susunod daw ay mag-ingat ito sa pagmamaneho.
Mabuti na lang daw at ‘yun lang ang nangyari.
Jerald also made the truck driver realize na paano na kung hindi ang tulad niya ang nadisgrasya nito?
Malaking dahilan din ng pagkakaroon ng good mood ni Jerald ay dahil sa nag-uumapaw na kasiyahang dulot ng panonood ng
FIBA game.
Bagama’t hindi pinalad ang ating koponan kontra sa Dominican Republic, nakapagtala raw kasi tayo ng kasaysayan sa dami ng mga basketball fans na sumugod sa Philippine Arena nitong Biyernes.
“One for the books!” pagbibida ni Jerald, himself a hard court enthusiast.
Kinabog kasi natin ang FIBA na ginanap sa Canada in terms of live spectators years ago. Ronnie Carrasco III