Home NATIONWIDE SBMA head nagbitiw sa pwesto

SBMA head nagbitiw sa pwesto

MANILA, Philippines – Nagbitiw sa pwesto si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chair and Administrator Jonathan Tan nitong Biyernes, Enero 12 matapos maglingkod ng walong buwan.

Nagpasalamat si Tan sa mga kasamahan nito sa SBMA sa pagsuporta sa kanya sa maikling sandali, bagama’t hindi tinukoy kung ano ang dahilan ng pagbibitiw sa pwesto.

Si Tan ay dating alkalde ng Pandan, Antique, na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Abril para pangunahan ang SBMA.

Siya ang ika-siyam na pinuno ng ahensya na nanumpa sa opisina.

Sinabi naman ni Armie Llamas, officer in charge ng SBMA office of the deputy administrator for corporate communications, na hindi pa sila nakakatanggap ng opisyal na impormasyon kung sino ang papalit kay Tan. RNT/JGC

Previous articleBangkay natagpuan sa gilid ng sea wall sa Intramuros
Next articlePNP may persons of interest na sa pagpatay sa Sinulog Idol judge sa Cebu