Home NATIONWIDE SC: Anti-VAWC law, angkop din sa lesbian relationships

SC: Anti-VAWC law, angkop din sa lesbian relationships

317
0

MANILA, Philippines- Maaari ring makasuhan ang mga kababaihan sa lesbian relationships ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children (Anti-VAWC) Act, giit ng Supreme Court (SC) sa desisyon na isinapubliko kamakailan.

Sa 10-page decision na ini-upload sa website noong May 15, tinanggihan ng high court ang apela ng isang pribadong indibidwal, na kinilala na isang nagngangalang Sandra Jane Jacinto, na  ibasura ang kaso laban sa kanya na inihain matapos umano nitong atakihin ang kanyang kinakasama sa loob ng 16 taon.

Inakusahan si Jacinto ng pagtulak sa kanyang live-in partner at paulit-ulit na pag-ipit sa kamay ng huli sa pinto ng kotse, na nagresulta sa physical injuries.

Sa pagtatapon ng kaso laban sa kanya, sinabi ni Jacinto na hindi maituturing na offense ang kanyang ginawa sa ilalim ng Republic Act (RA) 9262, o Anti-VAWC Act, at sinabing hindi “applicable” ang batas sa lesbian relationships.

Subalit ang argumentong ito “utterly lacks basis,” base nsa SC, na binanggit ang naunang kaso na kilala bilang “Garcia v. Drilon.”

Batay sa Garcia ruling, malinaw sa Section 3 ng Anti-VAWC law na “any person” ay maaaring parusahan sa paglabag sa mga probisyon nito, lalaki man o babae ang attacker.

“The foregoing discussion of the Court as to the applicability of the law to lesbian relationships is clearly a resolution of the particular issue raised in Garcia,” saad sa SC decision kamakailan na sinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting.

Hiniling  ni Jacinto ang interbensyon ng SC matapos dalawang beses na ibasura ng Regional Trial Court ng Antipolo City ang kanyang motion to dismiss sa kaso– una noong July 2019, at sa ikalawang pagkakataon noong Nobyembre sa parehong taon. RNT/SA

Previous article4 lalawigan sa VisMin, sapul ng red tide!
Next articleBinata tiklo sa pagtatanim ng ‘damo’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here