Home HOME BANNER STORY SC: MMDA may ekslusibong kapangyarihan sa traffic rules sa NCR

SC: MMDA may ekslusibong kapangyarihan sa traffic rules sa NCR

MANILA, Philippines – Idineklara ng Supreme Court (SC) na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tanging may kapangyarihan lamang para ipatupad ang batas-trapiko sa National Capital Region.

Nakasaad sa Supreme Court En Banc decision na ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ay maaring ipairal ang traffic rules ng kani-kanilang traffic enforcers ngunit kinakailangan silang ideputized ng MMDA.

Kinatigan ng SC ang petition for review on certiorari na inihain ng ilang transport organizations na kumuwestyon sa naging ruling ng Court of Appeals (CA) na pumabor sa traffic ordinances ng Metro Manila LGUs.

Ayon sa Korte Suprema, malinaw sa Republic Act No. 7924 o MMDA Law na iginaggawad sa MMDA ang rule-making powers kaugnay sa traffic management sa Metro Manila.

Sa ilalim ng naturang batas, tungkulin ng MMDA na maglaan ng serbisyo sa Metro Manila ng hindi naaapektuhan ang autonomiya ng mga LGU.

“One of the functions assigned to the MMDA is transport and traffic management, which includes the “administration and implementation of all traffic enforcement operations … including the institution of a single ticketing system in [Metro] Manila.” Teresa Tavares

Previous articleKim pumiyok na kay Xian!
Next articleLibreng medical mission sa babaeng PDLs isinagawa ng DOJ