MANILA, Philippines – Naglabas na ng guidelines ang Supreme Court kaugnay sa paglipat ng hurisdiksiyon ng mga korte sa Makati patungo ng Taguig.
Batay sa inilabas na Administrative Matter ng Korte Suprema, ang mga korte na sa Taguig City ang sasaklaw sa mga naganap na krimen sa mga lugar na saklaw ng Bonifacio Military Reservation na una nang idineklara na lupain ng Taguig City l.
Ang kautusan ng SC ay bilang tugon sa liham ni
Taguig City Mayor Maria Laarni L. Cayetano, na humihiling na mailipat na sana sa kanilang lungsod ang hurisdiksiyon sa mga korteng nakatayo sa Bonifacio Military Reservation.
Sa halip na Oktubre 16, 2023, itinakda ng Korte Suprema ang paglilipat ng mga kaso sa Taguig City sa Enero 1, 2024, upang mabigyan ng sapat na panahon na makapaghanda ang mga korte, prosekusyon at iba pang gumagamit ng korte.
Dahil dito, mula Enero 1, 2024, lahat ng kasong sibil at kriminal na magaganap sa mga apektadong lugar (na dating saklaw ng Makati City) ay idudulog na sa mga korte sa Taguig.
“Criminal complaints related to crimes and offenses that transpired or were committed within the affected areas before January 1, 2024, shall be filed with the Makati City Prosecutor’s Office. On the other hand, criminal complaints for crimes and
offenses committed on January 1, 2024, and onwards shall be filed with the Taguig City Prosecutor’s Office,” paglilinaw ng Supreme Court.
Iniutos pa ng Korte Suprema na lahat ng kasong sibil at kriminal na nakabinbin na sa first at
second-level courts sa Makati City bago ang Enero 1, 2024, ay patuloy na lilitisin sa mga korte sa Makati City.
Paalala ng Kataas-taasang Hukuman sa lahat ng partido kabilang ang mga hukom, mga kawani ng korte, prosecutors, public attorneys, legal practitioners, at publiko na pag-aralan, at sundin ang guidelines para sa mabilis ay maayos na transition. Teresa Tavares