Home NATIONWIDE ‘Science-informed’ decisions solusyon sa kakulangan ng ligtas na inuming-tubig sa bansa –...

‘Science-informed’ decisions solusyon sa kakulangan ng ligtas na inuming-tubig sa bansa – DENR

MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga nitong Sabado, Enero 27 na ang kooperasyon at science-informed decision-making ang kailangan upang masolusyunan ang kakulangan ng access sa inuming tubig sa bansa.

Kasabay ng Waste and Water Summit na ginanap nitong Biyernes, iniulat ni Environment Undersecretary Carlos David na 74 million Filipinos lamang ang may access sa malinis na tubig.

Sinabi rin niya na 3.8 milyong mga Filipino ang nagsasagawa ng “open defecation,” o naglalabas ng mga dumi ng tao sa open spaces, kabilang na ang mga anyong-tubig.

“Kailangan po ngayon cooperation, science-informed ang pag-decision at kino-cost po natin. Ang 250 billion [peso] po na sinabi kahapon ay isang estimate,” ani Yulo-Loyzaga.

Ang tinutukoy niya ay ang P250 billion na kailangan para mabigyan ng malinis na tubig at proper sanitation ang nasa 40 milyong katao.

“So kailangan po ngayon ang mga LGUs (local government units) at national government makipagpulong na po talaga at i-cost po natin talaga different situations will need different investment. Kailangan po talaga ng cooperation.”

Iginiit din ni Yulo-Loyzaga ang mga LGU at barangay ay dapat na maunawaan na ang “surface water tapping” sa ngayon, ay mas mainam kaysa maghukay sa ilalim ng lupa para kumolekta ng tubig.

“May mga lugar sa Pilipinas na talagang nauubos na po ‘yung ground-based water,” aniya. RNT/JGC

Previous articleDaniel, sa condo nakatira!
Next articleBI revenue sa tourist visa extension tumaas ng halos 24% noong 2023