Home METRO Seaman nachop-chop ng propeller

Seaman nachop-chop ng propeller

TAGBILARAN CITY- NAGKAPUTOL-PUTOL ang iba’t ibang parte ng katawan ng isang crew member ng fast craft nang aksidenteng mahulog sa barko, nitong Biyernes, Pebrero 25 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Marcelo Casulocan, 29, crew member ng Oceanjet, at taga-Pilar Bohol.

Ayon kay Lt. Junior Grade Romulo Balonga ng Philippine Coast Guard, bandang 11:00 AM nakadaong ang barko sa Tagbilaran, Bohol at patungong Cebu City.

Sa pahayag naman ng fast craft captain, napansin niya na kulang ng isa ang kanyang crew kaya tinignan niya ang CCTV footage bago ang insidente nakitang abala ang biktima sa pag-aayos ng mga bagahe sa likurang bahagi ng barko subalit bigla na lamang itong nadulas dahilan para mahulog ito sa dagat.

Kaagad naman siyang humingi ng tulong sa PCG at nagsagawa ng search & rescue operation makalipas ang minuto nakita na lamang ang mga putol na bahagi na katawan ng biktima na posibleng tinamaan ito ng propeller ng barko.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

Previous articleAll systems go para sa NPC Concert for a Cause
Next articleComelec nagbabala vs mga sindikato para sa 2025 elections