Home METRO Seaman sumideline sa droga, timbog!

Seaman sumideline sa droga, timbog!

255
0

ABULUG, CAGAYAN-Timbog ang isang seafarer matapos magpositibo sa ikinasang drug buybust operation ng mga otoridad sa bayan ng Abulug, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Denis Tagoc Viloria, 39 anyos, may-asawa at residente ng Barangay Casitan, Pamplona, Cagayan.

Napag-alaman si Viloria ay itinuturing na isang High Value Target ng Philippines Drugs Enforcement Agency o PDEA Region 02.

Narekober mula sa suspek ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng isang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800.

Advertisement

Nasamsam rin mula sa suspek ang isang dark blue sling bag na naglalaman ng limang rectangular shape resin na “hashis” na ibinalot sa transparent tape na may timbang na anim naraang gramo at nagkakahalaga ng P150,000; isang unit ng cellphone, Mio motorcycle, isang pitaka, at buybust money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa sections 5 at 11, ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

Previous articleNPD-DEU chief, 2 opisyal sibak sa pamamaril sa kanilang tanggapan
Next articleMagpinsan patay sa kidlat, tiyuhin sugatan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here