Home ENTERTAINMENT Sean at Marco, pasok sa grupong VMX V!

Sean at Marco, pasok sa grupong VMX V!

921
0

Manila, Philippines – Ipinakilala na ang mga miyembro ng VMX V na magiging pantasya ng mga kababaihan at kabekihan.

Sila ay sina Sean de Guzman, Marco Gomez, Itan Rosales, Mon Mendoza at Calvin Reyes.

Bago pa man sumabak sa pagpapaseksi, sina Sean, Marco at Calvin ay dating members ng tinitiliang all male sing and dance boy group na Clique V ng 3:16 Talent Management na pagmamay-ari ni Len Carillo.

Ayon kay Marco, na-miss daw niya ang mag-perform sa entablado.

“Bago pa man po ako nag-artista, pinangarap ko na ang maging singer at mag-perform,” aniya.

“Actually, na-miss ko iyong grupo namin sa Clique V,” dugtong niya.

Sey naman ng award-winning actor na si Sean, natutuwa raw siya dahil nabigyan sila ng bagong plataporma ng Viva na mai-showcase ang iba nilang talento.

“Natutuwa po ako sa Viva at kay Nay Len dahil nabigyan nila kami ng bagong venue para maipakita ang talent namin sa singing, dancing at hosting other than acting po,” ani Sean.

Si Sean ay nakapagbida na sa mga pelikulang Anak ng Macho Dancer, Fall Guy, Relyebo, Taya, The Influencer at iba pa.

Biggest break naman ni Marco ang kanyang lead role sa “Silab” kung saan nagkaroon siya ng frontal nudity. Archie Liao

Previous articleAktibidad ng Bulkang Taal, mahigpit na binabantayan
Next articleNCR COVID positivity rate, bahagyang bumaba

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here