Home HOME BANNER STORY Search and rescue team ng Pinas, nagsimula na sa Turkey mission

Search and rescue team ng Pinas, nagsimula na sa Turkey mission

120
0

TURKEY – Nagsimula na sa paghahanap ng mga survivor sa mga guho ang Philippine Search and Rescue Group na ipinadala sa Turkey kasabay ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa nasabing bansa maging sa Syria.

Ang team ay binubuo ng 82 tauhan mula sa Department of Health (DOH), Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, Subic Bay Metropolitan Authority, at Office of Civil Defense (OCD).

Dala-dala ng grupo ang mga kagamitan na makakatukoy ng mga survivors na nasa ilalim pa rin ng guho, kasabay ng kanilang pakikipagtulungan sa iba pang international teams.

Samantala, naghahanda na ang ikalawang batch ng Search and Rescue personnel mula sa AFP, Pasig at Davao depende sa hiling ng Turkey.

“Right now, as we speak, the team is already deployed. So, we were in touch with the team just this afternoon, around 1 o’clock. That is approximately 8 o’clock sa kanila. And they were already given assignments and operational na po yung ating team. Meaning they are in the process of conducting search and rescue. May mga assignment na sila, binigyan na sila ng buildings that they can work on,” sinabi ni OCD Assistant Secretary Raffy Alejandro.

Nagbahagi naman ng video ng nagpapatuloy na operasyon ang isa sa mga volunteer na si Doctor Ted Esguerra na tumulong din sa rescue mission sa Nepal quake noong 2015.

“‘Yan ang army, ito yung MMDA team. Kasama rin yung iba pang international rescue teams, ‘yung search and rescue team ng Hong Kong, so malaking contingent din. Ito naman sa kabila, Hong Kong din at saka sa French,” ani Esguerra.

“Na-meet namin yung fausi ng French na nakasama namin sa Nepal last 2015. So naging ano ito, naging holding area ito ng international humanitarian operation,” dagdag niya. RNT/JGC

Previous articlePort operations division ng BI, inalis na
Next article60th showbiz anniv ni Ate Vi, kasado na!