Sec. Galvez, kumbinsidong may mga ‘di naisasama sa listahan ng recoveries

Sec. Galvez, kumbinsidong may mga ‘di naisasama sa listahan ng recoveries

July 1, 2020 @ 9:25 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Naniniwala si National Task Force on COVID 19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na naglalaro sa 40 hanggang 50 porsiyento ang nakakarekober na mga tinamaan ng corona virus sa bansa.

Ani Galvez, idinedeklara lang naman kasi sa listahan ng mga recovered ang mga na- admit o na- confine.

Aniya, sa ngayon ay may nakikita silang under reported recoveries na kung saan ay kabilang dito ang mga kinapitan ng virus na hindi naman namalagi sa ospital.

“So iyon po ang nakikita po namin na napakaganda po ng mga indicators. Sinasabi ko nga po, una, bumaba po, almost single digit ang death; second, ang recovery po natin ay na-more than 250 or nakita natin na may mga under reported na recoveries pa tayo,” ayon kay Galvez.

“I believe ang ating recoveries is more or less 40 to 50%, hindi lang natin declared because of ang dini-declare po natin sa recovery ay iyon lang na-admit. And then third, iyong new cases, iyong positivity natin ay mababa, at the same time, tumaas na po ang level ng testing capacity natin ngayon. Iyon po ang mari-report ko ngayon, at iisa na lang po ang ECQ at karamihan po ay nasa low risk na po tayong lahat,” dagdag pa ni Galvez.

Sa kabilang dako, pinuri rin ng Kalihim ang mga duktor na aniya’y alam kung paano tutugunan ang isang kaso ng COVID 19 at maiwasan ang isang pasyente na sumailalim pa sa intubation.

Pahayag ni Galvez, sadyang marami nang natutuhan ang mga nasa otoridad pagkatapos ng tatlong buwang karanasan dulot ng tumamang virus.

“And then nakita po namin, magagaling po ang ating mga doktor. Ngayon alam na po natin kung paano natin gamutin. Gumagamit tayo ng plasma, gumagamit tayo ng tinatawag nating [unclear] para maiiwasan iyong intubation at marunong na po tayo kung paano mag-address iyong treatment lalo na sa PGH, dito sa Lung Center. Medyo natuto na po tayo after that three-month experience,” ayon kay Galvez. RNT/Kris Jose

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...