
Nagsagawa ng Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Greenfield District sa Mandaluyong City, ngayong araw.
Inorganisa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasabing drill katuwang ang ilang government agencies.
Samantala, nakiisa rin ang mga mag-aaral at guro ng Potrero Elementary School kasama si Malabon Mayor Jeannie Sandoval, sa ikinasang NSED upang masubok ang kanilang kahandaan kung sakaling kay tumamang lindol o ano mang kalamidad. Danny Querubin/Jojo Rabulan