Home ENTERTAINMENT Sef, magpapatali na sa non-showbiz jowa!

Sef, magpapatali na sa non-showbiz jowa!

Manila, Philippines – Mag-aasawa na next year si Sef Cadayona isang non-showbiz girl. Two years na silang mag-on.

Nag-decide na si Sef na pakasalan ang jowa na nagwo-work as airline ground crew.

Ani Sef: “Finally. nag-decide na akong pakasalan ang girlfriend ko. Lahat ng katangian sa babae na hinahanap ko ay nasa kanya.

“Next year pa ang kasal para mapaghandandaang mabuti. This year, busy pa ako sa taping ng Love Before Sunrise bilang kaibigan ni Dennis Trillo as Atom.”

Hindi na bumabata si Sef. Siya’y 34 years old na ngayon. Gusto na rin niyang lumagay sa tahimik. Nakita na naman niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Buhat nang lisanin niya ang Bubble Gang, kung saan dito siya nagkapangalan bilang versatile comedian, ay sa iba’t ibang programa na ng Kapuso Network siya lumalabas.

Sa All Out Sunday siya ngayon madalas napapanood

Incidentally, napangiti lang si Sef nang sabihin namin na ang ex-jowa niyang si Andrea Torres ay nasa Love, Before Sunrise cast din bilang kontrabida ni Bea.

Noong sila pa ni Andrea, pareho silang nasa cast ng Bubble Gang.

Ganoon lang daw ang pag-ibig, lumilipas din. Noel Asinas

Previous articlePlywood, mga basura sanhi ng pagbaha sa EDSA – MMDA
Next articlePagpasa sa free college entrance examinations bill isinusulong ni Escudero