Home NATIONWIDE Seismic survey sa East Palawan Basin magsisimula ngayong buwan – DoE

Seismic survey sa East Palawan Basin magsisimula ngayong buwan – DoE

SINABI ng Department of Energy (DOE) na nakatakdang magsimula ngayong buwan ang 3D seismic survey ng isa sa Petroleum Service Contractors nito na matatagpuan sa East Palawan Basin.

Sinabi ng DOE na ang Israeli company Ratio Petroleum Ltd. (Ratio), ang operator ng Petroleum Service Contract (SC) No. 76, ay kinontrata ang Shearwater GeoServices para mag- deploy ng seismic survey vessel nito, SW Thuridur, para makakuha ng 3D seismic data sa isang lugar sa SC 76 block na matatagpuan sa 150 kilometers east ng Puerto Princesa.

Inaprubahan kasi ng DOE ang seismic survey bilang bahagi ng ‘work commitments’ ng Ratio para sa SC 76.

Ayon sa DOE, kinakatawan ng survey ang dedikasyon pagdating sa pagsusulong ng high-impact opportunities sa maaasahang bagong mga lugar na karagdagan sa umiiral na Malampaya Field sa Northwest Palawan Basin.

Ang komprehensibong 3D seismic survey ay nakikitang gugugol ng isang state-of-the-art technology at methodologies para makakuha ng high-resolution imaging ng subsurface geology.

“By capturing detailed and high-quality seismic data within the block, Ratio aims to enhance its understanding of the basin’s geological characteristics, gather high-quality geophysical data, identify optimal drilling locations with greater precision, and assess the potential for new oil and gas discoveries in offshore East Palawan,” ayon sa DOE.

Ipinahayag pa ng DOE na kumpiyansa ito na ang kaalaman na makukuha mula sa 3D seismic survey ay mas lalo pang “de-risk prospects at unlock the hydrocarbon potential” ng East Palawan Basin. Kris Jose

Previous articleAllain pasok sa Paris Paralympics
Next articleWembanyama, Spurs panalo vs Nets sa OT