Home METRO Seksing gangster na HVI nadakma ng mga lespu sa Bulacan

Seksing gangster na HVI nadakma ng mga lespu sa Bulacan

337
0

Bulacan – Arestado ang isang babae na umano’y miyembro ng notorious criminal group sa anti-crime drive ng mga awtoridad sa bayan ng Pulilan.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, nakilala ang naarestong si Jesusa Garcia na kilala rin sa tawag na Annabelle at Adeng.

Ayon sa report, boluntaryong sumuko si Garcia nang pasadahan ng Pulilan police katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit at local authorities ang kanyang bahay nitong Mayo 15 sa Brgy. Tibag.

Advertisement

Sinasabing si Garcia ay kabilang sa Regional Level Priority- High-Value Individual at miyembro ng notorious Zapata Criminal Group na kumikilos rin sa lalawigan ng Bulacan. Dick Mirasol III

Previous articleAlvin Lobreguito gold sa SEAG wrestling
Next articleNBA: Finalist sa Kareem Abdul-Jabbar award, pinangalanan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here