MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kaso ng animal rights group na Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang security guard na naghagis umano ng tuta mula sa isang footbridge.
Nagsampa ng reklamo si PAWS executive director Anna Cabrera at isang testigo dahil sa paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act laban sa guwardiya sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ang mga mapatunayang nagkasala ng paglabag sa RA 8485 ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon.
Kumakain umano si Lucky, ang tuta, nang komprontahin ng guwardiya ng mall ang mga bata na sina April at Sandra para umalis sa lugar.
Humingi ng ilang sandali ang mga bata ngunit hinawakan ng guwardiya ang tuta sa leeg at itinapon ito sa kalsada. Ang tuta ay idineklarang dead on arrival matapos dalhin sa isang veterinary clinic ng isang dumaraan.
Samantala, sinabi ng SM North EDSA na na-dismiss na ang guwardiya. RNT