Home NATIONWIDE Sekyu nagpaliwanag sa ‘hinagis’ na tuta sa QC

Sekyu nagpaliwanag sa ‘hinagis’ na tuta sa QC

259
0

MANILA, Philippines – Nagpaliwanag ang security guard na sinasabing nanghagis ng tuta sa isang footbridge sa SM North matapos na takutin umano ang mga sinasaway na bata.

Sa pamamagitan ng kaniyang security agency, inilahad ng sekyu na si Jojo Malicdem sa Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) ng Philippine National Police ang kanyang bersyon.

Batay sa dokumento na isinumute ng agency sa SOSIA, sinabing pinapaalis noon ni Malicdem ang limang vendor sa footbridge pero tinutuya umano siya ng mga ito at hiningan pa siya ng ID>

Pagpapatuloy niya na isang babae umano ang may hawak ng tuta na inilalapit sa kaniyang mukha kaya niya ito natabig.

Bunsod nito, nahulog ang hayop sa footbridge at nasawi rin kalaunan.

“The guard sensing that he will be bitten by the puppy which might be infected with rabies, shoved his hand towards the puppy resulting to the fall of the puppy under the footbridge,” ayon pa sa dokumento.

Matatandaang nagsampa ng reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act sa Quezon City Prosecutor’s Office ang Animal rights group na Philippine Animal Welfare Society (PAWS) laban kay Malicdem. RNT

Previous articleBabaeng OFW na natagpuang patay sa HK, ilang araw nang naiulat na nawawala
Next article3-anyos tigok sa taga sa ulo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here