Home METRO Sekyu natagpuang pugot-ulo sa Balintawak

Sekyu natagpuang pugot-ulo sa Balintawak

MANILA, Philippines – Natagpuang pugot na ang ulo ng isang 50-anyos na security guard sa loob ng isang car dealership sa EDSA-Balintawak.

Ayon sa ulat, huling nakausap ng biktimang si Alfredo Tabing ang kanyang asawa bandang alas-5 ng hapon nitong Bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

“Mga pasado alas-5 nagche-check siya kung ano gingawa namin sa bahay. E, sakto po medyo busy ako kaya di kami gaanong nakapag usap,” sinabi ng asawa ni Tabing.

“Sa isip ko, gabi ko na lang siya ulit tatawagan bago ako makatulog,” dagdag pa niya.

Pero nang tumawag ulit ang asawa bandang alas-10 ng gabi, hindi na sinasagot ng biktima ang tawag nito.

Nalaman na lamang niyang patay na at pugot na ang ulo ng kanyang asawa nang magtungo ito sa dealership nang sumunod na araw.

Palaisipan sa biyuda ni Tabing kung sino ang gumawa nito, o may matinding galit sa biktima.

Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District ang insidente. RNT/JGC

Previous articlePaslit patay sa sunog sa Antipolo
Next articleSahara Bernales, hibang sa sex!