Home METRO Sekyu, negosyante sumideline sa pagtutulak ng droga

Sekyu, negosyante sumideline sa pagtutulak ng droga

CAUAYAN CITY, Isabela- Sa kulungan ang bagsak ng isang sekyu at isang negosyante matapos mahuli sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot o shabu sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya sa Purok 1, Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Police Provincial Office o IPPO sa pinaigting na direktiba nito sa kampanya sa illegal drugs ay naaresto sina Michael Valdez, 35-anyos, binata, security guard at residente ng Brgy. San Manuel, San Mateo, Isabela at Reggie Castillo, 30-anyos na binata, vendor at residente ng Brgy. 4 San Mateo, Isabela.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga ito ang isang pirasong genuine P1,000.00 bil l(buy-bust money); isang pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust stuff); dalawang bricks ng dahon ng marijuana na may fruiting tops na nakabalot sa cling wrap (ossession); isang unit na kulay gintong cellphone na OPPO; isang kulay berdeng lighter; at isang kulay itim na Honda Click SMC.

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek na High Value Target habang inihahanda ang kasong isasampang R.A 9165 o Comprehemsive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco