Home METRO Sekyu pinagbabaril-patay

Sekyu pinagbabaril-patay

102
0

PIKIT, Cotabato- PINAGBABARIL patay ang isang security guard ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakatayo sa binabantayan nitong hardware, kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Renen Juntillano Cabanting, 41, may asawa at residente ng Barangay Katipunan M’lang Cotabato.

Batay sa report ng Pikit Municipal Police Station, dakong 9:30 AM ng maganap ang krimen sa isang hardware store sa Barangay Fort Pikit, Pikit North Cotabato.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo ang biktima sa receiving station ng hardware ng biglang lapitan ito ng suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na baril.

Sa kabila ng tama sa katawan nagawa pang makatakbo ng biktima subalit hinabol pa rin ito ng suspek at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip nito./Mary Anne Sapico

Previous articlePBBM: Itinutulak na dagdag-buwis sa luxury goods, resonable
Next articleDENR, PhilSA na magtatag ng database ng mga likas na yaman