Home METRO Sekyu todas sa loob ng iskul

Sekyu todas sa loob ng iskul

302
0

MANILA, Philippines- Natagpuang wala nang buhay dahil sa tinamong mga saksak sa katawan ang isang 55-anyos na tumatayong security guard, sa loob ng Magat Salamat Elementary School sa Tondo, Manila, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Ricky Dasco, may asawa at anim na anak at admin/utility/ security guard sa nasabing eskwelahan sa Perla Street , Barangay 74 Tondo.

Samantala, sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, natimbog ang suspek na si Christopher John Masqueda, 33-anyos.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Suba kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-5:35 ng madaling araw nang madiskubreng patay si Dasco sa Gabaldon Hall ng nasabing paaralan.

Dalawang kasamahan ng biktima ang nakatuklas sa biktima na naliligo ng dugo kaya agad nila itong ipinagbigay-alam sa tanggapan ni Police Lieutenant Wildredo Fabros Jr., Commander ng MPD- Raxabago Police Station 1 at agad na nagresponde saka nila ito kinordon bago ipinagbigay alam sa Station 1.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni Det.Suba na umano’y paghihiganti ang motibo ng pagpaslang habang ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Sanctuary Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya. Rene Crisostomo

Previous articleMandatory ROTC binuhay ni Padilla kasunod ng pambu-bully ng Tsina sa WPS
Next articleButong natagpuan sa Bilibid septic tank, sa manok ‘di sa tao – NBI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here